Alas 5 ng umaga yata, nagising ako sa malakas na iyak ng bata sa katabing apartment ko ngayung araw na to, biglang kumatok sa pintuan ko, kala ko away na naman silang mag asawa at dito yata tatakbo, bigla akong kinabahan, mag isa pa naman ako, narinig ko yung babae kasama yung bata, help help help sabi nya sa english, kahit kabado binuksan ko ang pinto, nakita ko siyang kinakabahan, kaya napaisip ako at kinabahan na rin, josko, nasobrahan na yata ako sa kape kaya ganto na lang yun kaba ko, baket tanong ko sa ale, pwede po bang patulong kasi me kuryente yung sahig namin sagot nya, ha? sabi ko.
Yung ref namin anlakas ng kuryente, sabi ng ale. Tutal pareho naman kami ng unit sumunud ako at tinungo ko yung main switch at pinatay, ngunit bago ko mapatay, nakita kong umuusok ang kuryente ng ref na nakalaylay sa sahig at basa pa ang sahig marahil sanhi ng tubig, (natural alangang buhangin).
dagli dagli kong pinatay yung switch, pero bago mapatay abay nakuryente ba naman ako, napasigaw yung ale ng makita akong nakuryente, dahil sa sigaw nya, nagulat yung bata, umiyak ng malakas, dahil sa iyak ng bata nagising yung aso at tumahol ng tumahol, dahil nasa second floor kame, yung aso sa baba nakitahol ng rin hanggang magtahulan na lahat ng aso na pag mamay ari ng mga nakatira sa compound ng apartment namin.
Sa wakas, napatay ko ring yung general switch, ayun nawala yung kuryente. Pero ano ka, yung kaba ko nawala nung makuryente ako, kaya habang nag ta type ako ngayun, nagkakape na naman ako, sarap kasi magkape habang naka titig ka sa mga report na gagawin mo, me deadline, me asap daw, me makulit na customer, me tawag ng tawag na feeling yata eh hotline ako o call center ng kumpanyang pinapasukan ko.
Pero sanay na ako sa ganito, tagal tagal na rin naman akong ganto ang scenario araw araw, ang importante eh masaya. Isang aral ang aking natuklasan sa araw na to, mag tsinelas pag basa ang sahig at baka madulas.
Make sense/? hahahaha
Magandang Araw sa inyong lahat.
No comments:
Post a Comment